Monday, July 6, 2015

PAANO BA ANG TAMANG PANLILIGAW SA BABAE

Paano nga ba manligaw yan ang mga katanungan sa mga lalaking na momoroblema at makaranas ng magkaroon ng kayakap, ka holding hands, taga gawa ng assignment, pangyabang sa tropa, at mga maiitim na balak sa kanila (Ops! di ka mag tatagumpay kung ganito ang motivation) 



courtesy  of :parede.com

 Unang una tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit mo kailangan magkaroon ng Girlfriend, shota, Bebe, mahal,ney, honey, LABs, cupcakes, sugar etc. tatapatin na kita kung ang HABOL mo lang sa kanila eh (lust)libido aba magsarili ka na lang dahil hindi ginawa ang babae para maging paraausan ng mga katalud mong may maiitim na balak. ang BABAE ay  Iniingatan, inaalagan, iniintindi, nirerespeto at minamahal katulad ng pagmamahal mo sa nanay mo at kapatid mong babae. 

pero kung ang balak mo ay maganda at nasa tama kang lugar, oras, panahon ang babae na para sayo  ay kusang ibibigay ni LORD! wag ka mag madali Relax lang. kaya nga tayo nanliligaw para malaman natin kung para sa atin ba o komportable ba syang kasama na sa tingin mong magpapaligaya sayo at hindi magbibigay ng sakit ng ulo. alam ko naghahangad ang iba sa atin ng maganda, sexy, cute, mayaman, mabait - di lahat ng magandang babae ay maganda rin ang Ugali, at hindi rin lahat ng panget maganda ugali. pare parehas silang masama ang gali dahil WALANG FOREVER ! joke!  na sasayo kung paano mo ito tutuklasin be wise sa pagpili ng babae. 

kung manliligaw ka sa natitipuhan mong babae kailangan mag pakita ka muna sa kanya ng kakaiba at kagila gilalas na hinding hindi nya malilimutan kung bag BRAND NAME mo :


Gusto ng mga BABAE: 

1. yung matalino (maraming alam) natutulungan mo siya sa problema nyang assignment at magbibigay ka ng KONKRETONG OPINION at MATALINONG SOLUSYON. (kahit di ka gwapo basta mag mag mukha kang smart sa kanila tyak ika ang gusto laging makasama ng mga babaeng gumagawa ng thesis) 

tips : basa basa ng mga articles kasi dyan din natatagpuan ang mga banat ni boy Pick up.

2. MALINIS sa KATAWAN  - kaaya ayang tingnan di mo naman kailanganng maging ma puti para maging malinis kung di ka naman na liligo, PROPER HYGIENE pre!! binata ka na eh. ang babae minsan di nagsasalita yan pero mararamdaman mo naman kung ano yung gusto nilang ipahiwatig nagtakip ng ilong mag toothbrush ka, mag gurgle 5x o 10x paayos mo ngipin mo baka may problema

3. RESPETO SA BABAE - eto ang pinaka mahalagang bagay na iingatan nating  mga lalaki matatakan ng babae na tayo ay MANYAKIS dahil di naman sila cheap para ibigay agad ang kayamanan nila at sino ka ba para kuhain ito, tyak ko iiwasan kanila BUSTED! kaya paGOOD BOY  kamuna sabi ko nga mapakita ka muna sa kanila ng mabubuting asal para yung SUKLI ay tyak na di mo rin makakalimutan haya hay. konting tyaga lang daanin mo lang sa DAHAN DAHAN.

4. KILALANIN MO SIYANG MABUTI - alamin mo kung saan sya nang galing, kung ano ano ang paborito nyang pagkain, mahilig ba syang gumala, mag aral, dahil dyan ka pwedeng makakuha ng pagkakataon mag simula ang paguusap nyo 
example: sya ay mahilig manood ng koreanovela tapos kukwentohan mo kung paano mag dunk si LEBRON PAKIALAM  nun dun! sabihin lang sayo nonsense 

pero kung babanggitin mo yung pinaka maganda scene doon sa pinapanood nyang korean novel tiyak na maraming ikwekwento yun sayo. at dun ka na mag kakapag start ng conversation.

5. i- COMFORT MO YUNG BABAE - pag tuwing nagkakausap at nag kakasama na kayo tyak na mag sasabi na sayo ng mga konting problema pero dapat ikaw pakinggan mo muna yung babae bago ka bumanat ng mga magagagandang lines, tas sabayan mo ng pagbili ng miryenda kahit tokneneng at palamig tyak na lalong gagaan yung pakiramdam nyan sayo hindi mona namamalayan sya ay na FAFALL na sayo. konting tyaga lang dre! ang BABAE pinag hihirapan ay lalo mong pahahalagahan at di mo iiwan.


sana kahit konti lang yung tips na ito nawa ay makatulong, wag kang mainggit sa mga may GF, o kasintahan kasi iba yung LOVE STORY mo"original" ikaw dapat yung mag isip ng paraan at wag kang umasa sa sabi sabi ng mga INGGITERO! 




38 comments:

  1. Ako mahihirapan, Kasi di pa ako nag Kaka gf?

    ReplyDelete
  2. Meron ako ngayong nililigawan, 2 mos palang kame magkakilala. At 5 times na kame lumalabas na magkasama. Kaya lng naging busy siya sa ngayon kasi nagrereview siya para sa kanyang board exam. Pwede pa naman siyang yayainlumabas kaso hnd pwede magtagal kasi nga nagrereview siya. Priority niya muna kasi yun. Pwde ko na ba siyang tanungin na maging kame? Or wait pa ako ng time na matapos exams niya? Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. chill lang wag mo mona madiliin mababasted kalang cguro ligawan mo muna sya hanggang mafall sya sayo..kasi masasaktan kalang pag pag sinabi mo na pede na maging tayo?. basted ka agad..

      Delete
  3. Meron akong gustong babae classmate ko siya pero torpe ako gusto Kong sabihin ung nararamdaman ko sakanya pero nahihiya ako at nalaman ko na may nanliligaw napala napala sakanya na classmate kodin ano ang dapat Kong gawen Kasi ung Tipo niya matalino pero dinaman ako katalinohan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pre pwede mo bang tanongin sa babae na pwede ba kitang ligawan?ung ganung tanong pre

      Delete
    2. it's 2022 na hanggang ngayon mag tatanong kapa sa babae na pwd ba kitang ligawan ang baduy bat hindi mo nalang gawin bat kilangan pang tanongin

      Delete
  4. meron akong nililigawan childhood friends ko pero di pa ako nakaka try na may jowa pera sinabi na nya na tipo nya ako kaya tulongan mo ako anong sabihin ko sa kanya sa personal

    ReplyDelete
  5. May katrabaho ako bali childhood friend ko sya at ngayon nag kagusto ako sakanya medyo matagal tagal nrin then yun nga naging close kami tapos hangang sa lagi na kami mag ka chat tapos ngayon umamin ako sakanyan na gusto ko ma sya so ayun parang iniwasan nya ko ng ilang lingo then ayun nga para di narin muna ko nag paramdam ilang araw pa nag paramdam na sya sakin at inamin na gusto narin dae nya ko matagal na daw pinag isipan lang nya ano sasabihin sakin ngayon parang getring to know each other more kami we care for each other saying goodnight and good morning everynow and then ngayon anonkayany next step ko or ano ba sanihin ko ba na liligawan ko na sya or ano po ba medyo mahiyain po ako eh nag lakas loob lang ttalaga ko mag sabi sakanya thanks sa sagot

    ReplyDelete
  6. May gusto akong babae kaya lang mali siguro ng timing ang ginawa ko sinabi ko sa kanya na gusto ko sya yung nararamdaman ko. Pero ang sabi nya pwde ba maging magkaibigan nalang tayo. Parang nawalan ako ng pag asa kasi sinabi nya n pwde ba maging magkaibigan nalang tayo. Kaya nirespeto ko yung gusto nya na maging magkaibigan nalang kami. Kahit gusto ko pagpatuloy panliligaw ko sinabi nya n magkaibigan nlng kmi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Edi sabihin mo sa kanya na kahit na sinabi mo na magkaibigan lang tayo gusto ko parin na ipakita na mahal kita kahit gaano ka tagal at kahit magkaibigan lang tayo gusto ko parin na mahalin ka yan ang sabihin mo sa kanya tapos
      Edi ipakita mo sa kanya kung paano ka bilang kaibigan syempre ang kaibigan laging namdyan kahit anong mangyari ang pag kakaibigan niyo diyan mo ipakita na mahal mo siya diba maraming babaeng magkaibigan na nagugustuhan nila ang kanilang lalaking kaibigan

      Delete
  7. May ka M.U po ako ngayun pero ayaw po ng commitment . Ano po ang gagawin ko para maging ready na sya?

    ReplyDelete
  8. May gusto po ako babae tas nagtapat na ako sa kanya.tapos sinasabi nya saken lagii"yaakkk ikaw magkakagusto saken"ano po ba pwede ko sabisabihen?

    ReplyDelete
    Replies
    1. At kaibigan lng daw po ung turing nyaa sakenn

      Delete
    2. At kaibigan lng daw po ung turing nyaa sakenn

      Delete
  9. Test mo po ito baka OK ang steps
    1.lagi mo syang kasama mag miryenda sa canteen
    2.lagi mo syang i lilibre
    3.mag bigay ka ng joke sakanya
    4.kapag valentines day bili ka ng flowers
    5.sabihin mo sakanya na maganda ka o pa kiligin mo
    6.kung ma ramdaman mo na mag blu-blush sya OK na ligawan mo na.

    ReplyDelete
  10. Hi po, pwede po pa help may nag add friend po kasi sakin single siya sa ibang school siya nag aaral malapit samin then nag kagusto ako sakanya paano ko po ba sisimulan pag nag Hi ako sakanya? wala po kasi akong baon na topic para kausapin siya. tips po

    ReplyDelete
  11. Nag Hi po ako sakanya sa messenger

    ReplyDelete
  12. Kuya ginawa ko Ang lahat Ng Yan problema ko Lang po pano po Kung lagi akung na ubusan Ng topic at malayo Kasi sya sa akin kaya diko magawa

    ReplyDelete
  13. Kuya Meron kse akung ka school mate. palagi ku syang kasama pumasok sa school. Sinabi ko sa knya sa chat na may feelings ako sa knya pero Ang Sabi Nia naman mag aral muna daw ako at wag muna daw ganyan.. Anu bang dapat Kung gawin

    ReplyDelete
  14. Kuya Meron kse akung ka school mate. palagi ku syang kasama pumasok sa school. Sinabi ko sa knya sa chat na may feelings ako sa knya pero Ang Sabi Nia naman mag aral muna daw ako at wag muna daw ganyan.. Anu bang dapat Kung gawin

    ReplyDelete
    Replies
    1. d ka nya type tol.. yan lang. pag gusto ka sa isang babae kahit hnd pa kau tapos sasagutin ka nya ..

      Delete
  15. Pewde po bah patong mgaligaw sa liligawan ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige ba tulungan kita pero paano kita tutulungan kung hindi naman kita kilala

      Delete
  16. Bat ganon??parang wala akong hilig manligaw ang gusto ko kasi ako liligawan ng girls 😅😂🤣.
    Wala akong hilig manligaw kung baga (tamd ako) manligaw anong pakiramdam to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwes hindi ka tunay na lalaki at hindi ka makakahanap ng totoong magmamahal sayo kung hindi mo siya liligawan o tamad ka manligaw

      Delete
  17. Ma’am/sir patulong naman po. Pano kapag may gusto ka sa isang babae tapos may nangliligaw na pala ano pwede kung gawin ma’am/ sir?? Paki sagot naman po plss.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. e manligaw ka rin. wag ka mahinaan ng loob. kung ma busted ka ok lang kung sasagutin ka edi sarap... mas maganda na e try mo kaysa wala kang ginagawa baka mag cc ka.. d natin alam kaw pala gusto nya

      Delete
    2. tama huwag kang matakot na iparamdam na mahal mo siya and kung hindi ka man niya piliin ayos lang yan atleast nag try ka kasi kung mangyari man yun hindi siya para sayo dahil ang bawat tao ay may tinadhana para sa kanila

      Delete
  18. Hellow guys , Pano poba Maka close nanay Ng isang babae , at ano ano po puwedeng gawin upang mas accept po ako Ng nanay niya :"(

    ReplyDelete
    Replies
    1. makapag tapos ka ng pag aaral. at may trabaho .. tyak close kau nyan. gusto ng parents ay secured ka nilang anak

      Delete
    2. para sakin tama yung mag aaral ng mabuti at mahal ang pamilya syempre yung babaeng magugustuhan gusto rin ng pamilya mo para gustuhin ka rin ng pamilya ng babae syempre madiskarte,maabilidad at mabait at maging masaya ang kanilang anak sa piling mo

      Delete
  19. ako babae ako pero hindi ak9 tumitingin sa panlanas na kaanyuan kundi sa taong magmamahal sakin ng tunay at buo syempre yung marunong manligaw at hindi nagmamadali means marunong maghintay at maganda yung ugali,mapagmahal,maalaga at iba pang magandang ugali

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo? Tatlong buwan na akong nanliligaw, kapag magkasama kami hinahawakan niya yung kamay ko at niyayakap ang Braso ko. Pero hindi pa niya ako kayang sagutin dahil sa may mga priority siya at masaya siya sa commitment na ginagawa namin. Hindi pa daw niya kayang sagutin yung tanong ko."please be My The One, My GF?'
      Sasagutin niya kaya ako sa future?

      Delete
  20. Meron akong gustong babae tinanong ko Kung pwede bang manligaw, Sabi niya hindi daw kasi masyadong mabilis ang pang yayari dahil nakilala ko lang sya sa Facebook, ANO ba dapat Gawain?

    ReplyDelete