![]() |
courtesy of :parede.com |
Unang una tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit mo kailangan magkaroon ng Girlfriend, shota, Bebe, mahal,ney, honey, LABs, cupcakes, sugar etc. tatapatin na kita kung ang HABOL mo lang sa kanila eh (lust)libido aba magsarili ka na lang dahil hindi ginawa ang babae para maging paraausan ng mga katalud mong may maiitim na balak. ang BABAE ay Iniingatan, inaalagan, iniintindi, nirerespeto at minamahal katulad ng pagmamahal mo sa nanay mo at kapatid mong babae.
pero kung ang balak mo ay maganda at nasa tama kang lugar, oras, panahon ang babae na para sayo ay kusang ibibigay ni LORD! wag ka mag madali Relax lang. kaya nga tayo nanliligaw para malaman natin kung para sa atin ba o komportable ba syang kasama na sa tingin mong magpapaligaya sayo at hindi magbibigay ng sakit ng ulo. alam ko naghahangad ang iba sa atin ng maganda, sexy, cute, mayaman, mabait - di lahat ng magandang babae ay maganda rin ang Ugali, at hindi rin lahat ng panget maganda ugali. pare parehas silang masama ang gali dahil WALANG FOREVER ! joke! na sasayo kung paano mo ito tutuklasin be wise sa pagpili ng babae.
kung manliligaw ka sa natitipuhan mong babae kailangan mag pakita ka muna sa kanya ng kakaiba at kagila gilalas na hinding hindi nya malilimutan kung bag BRAND NAME mo :
Gusto ng mga BABAE:
1. yung matalino (maraming alam) natutulungan mo siya sa problema nyang assignment at magbibigay ka ng KONKRETONG OPINION at MATALINONG SOLUSYON. (kahit di ka gwapo basta mag mag mukha kang smart sa kanila tyak ika ang gusto laging makasama ng mga babaeng gumagawa ng thesis)
tips : basa basa ng mga articles kasi dyan din natatagpuan ang mga banat ni boy Pick up.
2. MALINIS sa KATAWAN - kaaya ayang tingnan di mo naman kailanganng maging ma puti para maging malinis kung di ka naman na liligo, PROPER HYGIENE pre!! binata ka na eh. ang babae minsan di nagsasalita yan pero mararamdaman mo naman kung ano yung gusto nilang ipahiwatig nagtakip ng ilong mag toothbrush ka, mag gurgle 5x o 10x paayos mo ngipin mo baka may problema
3. RESPETO SA BABAE - eto ang pinaka mahalagang bagay na iingatan nating mga lalaki matatakan ng babae na tayo ay MANYAKIS dahil di naman sila cheap para ibigay agad ang kayamanan nila at sino ka ba para kuhain ito, tyak ko iiwasan kanila BUSTED! kaya paGOOD BOY kamuna sabi ko nga mapakita ka muna sa kanila ng mabubuting asal para yung SUKLI ay tyak na di mo rin makakalimutan haya hay. konting tyaga lang daanin mo lang sa DAHAN DAHAN.
4. KILALANIN MO SIYANG MABUTI - alamin mo kung saan sya nang galing, kung ano ano ang paborito nyang pagkain, mahilig ba syang gumala, mag aral, dahil dyan ka pwedeng makakuha ng pagkakataon mag simula ang paguusap nyo
example: sya ay mahilig manood ng koreanovela tapos kukwentohan mo kung paano mag dunk si LEBRON PAKIALAM nun dun! sabihin lang sayo nonsense
pero kung babanggitin mo yung pinaka maganda scene doon sa pinapanood nyang korean novel tiyak na maraming ikwekwento yun sayo. at dun ka na mag kakapag start ng conversation.
5. i- COMFORT MO YUNG BABAE - pag tuwing nagkakausap at nag kakasama na kayo tyak na mag sasabi na sayo ng mga konting problema pero dapat ikaw pakinggan mo muna yung babae bago ka bumanat ng mga magagagandang lines, tas sabayan mo ng pagbili ng miryenda kahit tokneneng at palamig tyak na lalong gagaan yung pakiramdam nyan sayo hindi mona namamalayan sya ay na FAFALL na sayo. konting tyaga lang dre! ang BABAE pinag hihirapan ay lalo mong pahahalagahan at di mo iiwan.
sana kahit konti lang yung tips na ito nawa ay makatulong, wag kang mainggit sa mga may GF, o kasintahan kasi iba yung LOVE STORY mo"original" ikaw dapat yung mag isip ng paraan at wag kang umasa sa sabi sabi ng mga INGGITERO!